« Biogas: What is it; How it is Made; How to Use it; - Part 3 of 3 | Home | Butterfly Farming in Papua New Guinea - Part 1 of 2 »
Gabay sa Pagtatanim ng Gabi o Taro
By pinoyfarmer | July 31, 2007

Scientific Name: Colocasia esculenta Linn.
Common Name: Gabi, Taro

Ang gabi ay isa sa pinakamahalagang halamang-ugat sa ating bansa. Sa katunayan, ito’y pangatlo sa hanay ng mga halamang ugat na itinatanim dito sa bansa. Karaniwan itong itinatanim sa likod-bahay at kadalasan sa maliit na sukat ng lupa na hindi hihigit sa isang ektarya.
adyang mahalaga ang halos lahat ng bahagi ng gabi. Ang dahon at tangkay nito ay naiibigan ng karamihan bilang gulay samantalang ang ibang parte ay itinatanim upang mapagkunan ng tubers.ang gabi ay nagagawa ring arina, para sa paggawa ng sopas, biskwit, tinapay, sari-saring inumin at puding. Ito’y madaling matunaw kaya inirerekomendang sangkap sa pagkain ng mga sanngol. Ito rin ay magagamit na pagkain ng alagaing-hayop.
Uri ng Lupa at Klima
Ang gabi ay maitatanim sa anumang uri ng lupa, ngunit higit na maganda ang tubo nito sa lupang buhaghag at malalim na water level.
Ang klimang tropical ang pinaka-angkop sa pagtatanim ng gabi. Ito’y maaring itanim sa dalawang regular na pagtatanim: pamamanahon basa (tag-ulan mula Oktubre hanggang Nobyembre) at tuyo (tag-araw Abril hanggang Mayo).
Mga Uri ng Gabi
Maraming uri ng gabi ang itinatanim sa kapatagan o mataas na lupa o kati. Maaring itanim ang corms at cormel 0 ang buong laman rhizomebago tabunan ng lupa. Ang naiwang dahon, tangkay at laman ay iginugulay.
Ang iba’t ibang uri ng gabi sa kapatagan at sa kati ay ang sumusunod:
Kapatagan Mataas na Lupa/Kati Princesa Trinidad Quezon White Calamba Bicol Purple Kinusol Ilocos Purple Batek Kalpao Viscaya Green Batek Ngatong Balatika Sibulanon Kalpao Dashee
Paghahanda ng Pananim
Ang pananim na gabi ay tinatawag na setts. Ito ay inihahanda mula sa suckers. Ito ay nagmumula sa isa hanggang dalawang sentimetro sa itaas na bahagi ng parent corm at unang 15-25 sentimetro ng tangkay.
Paghahanda sa Lupa
Araruhin at suyurin ang bukid ng tatlo hanggang apat ng ulit upang mabuwag at mapatag ang tingkal na lupa.
Ihanda ang tudling at tudnos para sa setts isang araw bago magtanim.
Pagtatanim
Sa kati o mataas na lupa, inirereklamo ang paggamit ng asarol sa itak sa paghukay ng taniman. Itanim ang setts sa butas na may lalim na 8-15 sentimetro.
Kailangang magkaroon ng sapat na tubig habang tumutubo ang gabi. lagyan ng alip-ip pagkatapos magtanim. Ito’y makaktulong upang mabawasan ang pagtubo ng damo at mapanatili ang halumigmig. Ang mga tuyong dahon, dayami, dahong ng niyog, at saging ay maaring gamiting alip-ip o “mulch”.
Paglilinang at paggagamas
Ang pagsugpo ng damo ay isang malaking suliranin sa kataasan kaysa sa kapatagan. Ang paglilinang ay isa sa paraan ng pagpigil sa pagtubo ng damo. Ang halinhinan o salitan na pagtatabon hilling up at pagbubungkal na palayo sa tudling off-baring ay isa sa pamamaraan upang masupil ang pagtubo ng tamo. Ang unang pagbubungkal at pagtatabon ay ginagawa tatlo hanggang apat na linggo pagkatapos magtanim.
Pag-aabono
Maganda ang tubo ng gabi kapag ina-abonohan ng Nitrogen. Tatlumpung kilo bawat ektarya ang kinakailangan sa pangkataasan at gayundin sa kapatagan.
Ang paggamit ng kompost ay mainam rin na pamamaraan. Ihalong mabuti sa lupa ang kompost habang inihahanda ang taniman.
Hayaang mabulok nang husto ang kompost, sa loob ng isa hanggang dalawang linggo bago magsimulang magtanim.
Pagkontrol sa Peste at Sakit
1.Iwasang magtanim ng gabi nang dikit-dikit lalo na sa malalim na lugar.
2.Ugaliin ang pag-iiba-iba ng tanim 0 crop rotation .
3.Alisin at Sunugin ang mga sirang dahon o ang mga dahon na apektado ng peste/sakit lalo simula pa lamang naa-apektuhan ng peste/sakit.
4.Gamitin sa pagtatanim ang mga matatambok na setts
5.Gamitin ang matibay na uri ng gabi sa pagtatanim.
# Para sa karagdagan kaalaman sa pag-sugpo sa mga kulisap at sakit na namiminsala sa gabi , sumangguni sa farm management technologist o sa taggapan ng Bureau of Plant Industry (BPI) at Fertilizers andPesticides Authority (FPA) sa inyong lugar.
Pag-aani
Ang gabi ay maari nang anihin kapag ang dahon ay naninilaw na. Ang gabing itinanim sa kataasan ay gumugulang mula 7-11 buwan matapos maitanim. Anihin ang gabi sa pamamagitan ng itak, asarol, at araro . ingatan na huwag masugatan ang laman o “tubers”. Alisin ang nakakapit na lupa at pinong ugat. Putulin ang dahon ng gabi at mag-iwan lamang ng dalawang sentimetro mula sa corms. Ihiwalay ang sugatang corms</> para hindi mahawa ang iba.
Pag-iimbak
# Huwaghuhugasan ang gabi.
# ibukod ang laman o corms at piliin bago ilagay sa naaangkop na lalagyan.
# ilagay ang gabi sa kaing o gumawa ng hukay na malalim at ilagay ang inanidito. Kapag ito ay inimak sa hukay, ay tumatagal ng anim haggang sampung buwan luwag lamang itong mauulanan.
Source:
Philippine Department of Agriculture
StuartXchange
Topics: Crops & Vegetables |
